Principal kritikal sa tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kritikal ang isang public school principal na isa ring negosyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakamotorsiklo pauwi para mananghalian mula sa pinagtuturuang paaralan sa Barangay Manzate, Magsingal, Ilocos Sur kamakalawa.
Sa report ni Major Winnie De Vera, tagapagsalita ng Ilocos Sur Police, nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Eulalia Lynne Gagto, 52-anyos na isinugod sa Northside Doctor’s Hospital kung saan siya inoobserbahan.
Narekober sa lugar ang anim na basyo ng bala ng cal.45 matapos ang krimen. Tinitingnan ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang pananalakay sa negosyong pagpapautang ni Gagto.
- Latest