^

Probinsiya

Getaway cars sa Espino ambush, narekober

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Getaway cars sa Espino ambush, narekober
Matatandaan na dakong alas-4:30 noong Miyerkules ng hapon nang tambangan ang convoy ng dating gobernador ng mga armadong lalaki sa Magtaking, San Carlos City ng nasabing lalawigan na ikanasawi ng isang bodyguard at ikinasugat ni Espino at ng tatlo pang ibang kasama sa sasakyan.
DWCM Aksyon Radyo Pangasinan/Violy Valdez-Ferrer

MANILA, Philippines – Narekober na ng mga otoridad ang ginamit na getaway vehicles ng mga suspek sa naganap na pag-ambush kay dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr.

Ayon kay Police Regional Office-1 (PRO1) Director P/Brig. Gen. Joel Sabio Orduna, narekober nila ang pulang Hyundai Elantra at gray Ford Everest sa ginawa nilang follow-up operation sa Barangay Pasima, San Carlos City Pangasinan.

Natagpuan din ng itinatag na Special Investigation Task Group (SITG) na nagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso ang tatlong M16 rifles sa loob ng Hyundai Elantra habang dalawang M14 at M16 sa loob naman ng Ford Everest.

Matatandaan na dakong alas-4:30 noong Miyerkules ng hapon nang tambangan ang convoy ng dating gobernador ng mga armadong lalaki sa Magtaking, San Carlos City ng nasabing lalawigan na ikanasawi ng isang bodyguard at ikinasugat ni Espino at ng tatlo pang ibang kasama sa sasakyan.

Samantala, inihayag ni Police Col. Redrico Mara-nan, hepe ng Pangasinan Police, na bago nangyari ang pananambang ay lumiham si Espino sa kanya noong nakaraang linggo dahil may natatanggap itong mga pagbabanta sa buhay kaya pansamantala siyang nabigyan ng security.

vuukle comment

ESPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with