^

Probinsiya

Kuya kinatay, 1 pang utol sugatan

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon
Kuya kinatay, 1 pang utol sugatan
Sa ulat, kinilala ang nasawi na si Ricky Garonia, habang ang nasugatan ay si Michael Garonia, 32. Agad namang naaresto ang kanilang kapatid na suspek na si Leo Ric Garonia, 26.

URDANETA CITY, Pangasinan, Philippines – Patay ang isang 35-anyos na lalaki samantalang sugatan ang isa pa nang saksakin sila ng kanilang nakababatang kapatid sa Zone 1, Brgy. Nancalobasaan, dito, inulat kahapon.  

Sa ulat, kinilala ang nasawi na si Ricky Garonia, habang ang nasugatan ay si Michael Garonia, 32. Agad namang naaresto ang kanilang kapatid na suspek na si Leo Ric Garonia, 26.

Sa pagsisiyasat, habang nag-iinuman ang magkakapatid sa kanilang compound bandang alas-6 ng gabi noong Linggo nang magkaroon sila ng pagtatalo hanggang sa undayan ng saksak ng pinakabata ang kuyang si Ricky.

Sinubukang umawat ni Michael pero maging siya ay sinaksak ng suspek at tinamaan sa kanang kamay. Nadakip si Leo at narekober ang isang 13-pulgadang bayoneta mula rito.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with