^

Probinsiya

Tserman sa Bulacan utas sa ambush

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Tserman sa Bulacan utas sa ambush
Kinilala ni P/Lt. Col Abraham Hambon, hepe ng Baliwag Police ang napaslang na kapitan na si Ronaldo Rivera alyas Kapitan Lupa, 43 anyos, may-asawa, chairman ng Brgy. San Jose, Baliwag, Bulacan.
File

BALIWAG, Bulacan, Philippines — Tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang barangay cap­tain sa bayang ito ma­tapos na tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Brgy. Tarcan ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Lt. Col Abraham Hambon, hepe ng Baliwag Police ang napaslang na kapitan na si Ronaldo Rivera alyas Kapitan Lupa, 43 anyos, may-asawa, chairman ng Brgy. San Jose, Baliwag, Bulacan.

Sa inisyal na report, dakong alas-10:45 ng umaga, habang ang biktima ay magde-deliver ng buhangin sa bahay ng kasamahan nitong tserman na si Ariel Cabingao ng Brgy. Tarcan nang bigla na lamang siyang pagbabarilin ng dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Napag-alaman na ang negosyo ng biktima ay gravel and sand at siya mismo ang nagbibiyahe ng mga umoorder sa kanya ng panambak o mga buhangin kung kaya nabansagan siyang “Kapitan Lupa”.

Ang biktima ay kila­lang agresibo umano sa kampanya laban sa illegal na droga sa kanyang nasasakupan at marami na umano siyang pinahuli at ipinakulong na mga tulak at adik. Posible umanong may kinalaman sa droga ang pagkakapaslang sa tserman dahil sa nasa­bing mahigpit nitong kam­panya laban sa illegal drugs.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with