^

Probinsiya

4 kelot niratrat sa road rage

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Apat na mister ang malubhang sugatan, isa sa kanila ay nasa bingit ng kamatayan matapos ratratin ang kanilang traysikel ng rider na nakagitgitan nila sa kalsada sa Brgy. Guiddam, Abulug, lalawigang ito noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Major Ronald Balod, hepe ng Abulug Police ang mga isinugod sa Far North General Hospital sa karatig bayan ng Luna, Apayao na sina Melvin Taala, 41; Eddie Agatep, 50; Ely Pablo, 40, at ang security guard na si Joselito Taneza, 31, na tinamaan sa ulo at kalaunan ay inilipat sa Cagayan Valley Medical Center dito.

Sa ulat, patungo sa lamayan ng namatay na kaanak ang mga biktima kasama ang tatlo pang hindi natukoy ang pangalan na kasama mula sa isang laklakan nang muntik na nilang matumbok ang kasalubong na motorsiklo dakong alas-8:40 ng gabi.

Ayon sa mga biktima, bumuwelta ang ‘di kilalang rider at tila may tinawagan sa cellphone saka sila hinabol nang tumangging hintuan ng kanilang drayber na si Pablo.

Kasunod nito, bigla silang pinagbabaril ng kanilang kasalubong na puting pickup truck at ng nakagitgitang rider saka nagsitakas.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with