^

Probinsiya

3 sasakyan, bahay inararo ng bus: 1 dedo, 22 nasaktan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Patay ang driver ng isang truck habang 22 na iba pa ang nasugatan makaraang araruhin ng isang passenger bus ang tatlong sasakyan at isang bahay sa Barangay Angeles, kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan sanhi upang ideklarang dead-on-the-spot si Ireneo Abayon, 58, ng Davao City samantalang ginagamot sa Doña Martha Memorial District Hospital at Nuestra Señora delos Angeles General Hospital ang mga pasahero ng AMV Elavil Tours Phil. Trans na minamaneho ni Aldin Madera ng Camarines Norte, at ang mga driver ng tricycle at motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:40 ng hapon habang binabagtas ng Bicol bound bus ni Madera ang highway at nag-overtake ito sanhi upang masagi nito ang tricycle ni Manuel Latonero subalit nabulaga at tuluyang nabangga ang kasalubong na trailer truck ng nasawing si Abayon.

Inararo pa ng bus ang trak hanggang sa gilid ng highway at nasalpok din ang motorsiklo ni Darwin Bobares saka tuluyang binangga ang bahay ni Bryan Lundag. Mabilis na sinaklolohan ang mga pasahero na inaalam ang mga pagkakakilanlan at isinugod sa naturang mga pagamutan.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with