^

Probinsiya

Van sinuwag ng tren: 10 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sampu katao ang nasugatan makaraang aksidenteng mabangga at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang pampasaherong van na inararo naman ang ilang mga kabahayan at isang tricycle sa Purok 6, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna nitong Martes ng madaling araw.

 Nilalapatan ng lunas sa JP Rizal Memorial Hospital ang mga sugatan na kinilalang sina Alber Bunagwa delos Santos, Mark Ricafranca Pasia, Jennielyn Leonen Valmoria; pawang may-ari ng mga kabahayan sa tabi ng riles ng tren na sinuwag ng pampasaherong van sa insidente; Nilda Valmoria, Lea Manood, Lorena Leonen, at sina Jan Airrel Valmoria at Gloria Villanueva Valmoria na may-ari ng tricycle na nadamay sa insidente. Nasugatan din ang driver ng van at mga sakay nitong sina Jourdan Sancon at Miguel Guantero.

 Ang mga biktima ay pawang isinugod sa JP Rizal Memorial Hospital para malapatan ng lunas.

 Sinabi ni P/Major Jojo Sobeniano, spokesman ng Laguna Police, bandang alas-4:50 ng madaling araw, habang tumatawid sa railroad ang Nissan Urvan nang aksidenteng mabangga at makaladkad ng tren. Dahil sa impact, nakaladkad ang van at humambalos sa mga kabahayan sa tabi ng riles kung saan tatlong bahay ang nasira at isang tricycle na nakaparada sa lugar.

 

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with