^

Probinsiya

Negosyante, misis utas sa road rage!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Negosyante, misis utas sa road rage!
Ang mag-asawa na sina Christian at Mary Chris Espiritu na pinag-ba­baril hang­gang sa mapatay ng ‘di pa nakikilalang salarin kama­kalawa ng hapon sa Malolos City, Bulacan.

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang negosyante habang binawian ng buhay sa pagamutan ang misis nito matapos silang pagbabarilin ng isang motorista na kanilang nakaalitan sa Brgy. Mojon ng nasabing siyudad, kamakalawa.

Kinilala ni P/Lt. Col. Emerey Abating, acting chief ng Malolos City Police, ang mga nasawi na sina Christian Espi-ritu, 35, at asawang si Mary Chris, 29, kapwa residente ng No. 36, Mayabong St., Maunlad Homes Subdivision, Brgy. Mojon, Malolos City, Bulacan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon nang aksidenteng banggain ng motorsiklo lulan ng ‘di pa nakikilalang suspek ang bumper ng kot­se ng mag-asawang Espiritu habang sila ay sakay nito at naka­parada sa harap ng ka­nilang bahay.

Dahil dito, bumaba ng sasakyan si Christian at sinita ang suspek hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Sa puntong iyon, napansin ni Christian na bumubunot ng baril ang suspek kung kaya mabilis siyang tumakbo at maging ang kanyang misis papasok ng kanilang bahay. Nasa tarangkahan pa lamang ng kanilang tahanan ang mag-asawa nang sila ay pagbabarilin ng nakasunod na suspek.

Agad na bumulagta at nasawi ang negos-yante dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan habang nasapol ng bala sa ulo at katawan ang kanyang asawa na naga­wa pang maitakbo sa Sacred Heart Hospital at kalaunan ay inilipat sa Bulacan Medical Center kung saan siya binawian ng buhay dakong alas-7:10 ng gabi.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Malolos Police para sa agarang ikadarakip ng suspek at matukoy ang pagkakakilanlan nito.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with