6 ‘most wanted’ sa Central Luzon timbog
CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Anim na tinaguriang most wanted sa Central Luzon ang naaresto matapos ikasa ang manhunt operation ng pulisya laban sa kanila kamakalawa sa lalawigan.
Sa ulat sa tanggapan ni Regional Director P/Brig. Gen Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga nadakip na sina John Angelo Menchie, ng Brgy. Maturanoc, Guimba, Nueva Ecija na No.1 most wanted ng Guimba Police station; Jomar Noveras, No.1 most wanted ng Maria Aurora Police; Teopilo Lao alias “Pilo”, No.2 most wanted ng Sta. Cruz Municipal Police; Allan Iwag, No. 3 most wanted sa Sta. Rita, Pampanga Police; Alfie Cunanan alias “Macho”, No. 9 most wanted ng Masantol Police at Raymund Yutuc alias”Mon” na No. 10 most wanted ng Apalit Police.
Ang mga nabanggit na wanted ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte kaugnay sa iba’t ibang kaso tulad ng rape, paglabag sa Art. 217 (Malversation of Public Funds or Property) at Art. 171, Art. 48 ng Revised Penal Code, attempted homicide at grave threat, at kasong paglabag sa R.A. 6539 (Anti-Carnapping Law).
- Latest