^

Probinsiya

4-anyos ni-rape slay, itinapon sa fishpond

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
4-anyos ni-rape slay, itinapon sa fishpond
Kinilala ang biktima na si Wendy Man-ologan, isang day care pupil sa nabanggit na lugar.
File

NORTH COTABATO, Philippines — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 4-anyos na batang babae na pinaniniwalaang ginahasa muna bago itinapon ang bangkay nito sa fish pond sa Sitio Mangani, Brgy. Tapak, Paquibato District, Davao City, Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Wendy Man-ologan, isang day care pupil sa nabanggit na lugar.

Sa ulat na nakarating sa Paquibato Police Station, ala-1:00 ng mada­ling araw ng nasabi ring araw nang madiskubre ng mga magulang na nawawala ang batang anak kung kaya’t agad silang naghanap sa tulong ng mga kapitbahay.

Nakita ang katawan ng biktima na wala nang buhay ng isang kapitbahay na tumulong sa paghahanap sa bata nang sumikat na ang araw kung saan natagpuang palutang-lutang sa fish pond ang biktima, may ilang metro ang layo mula sa kanilang tahanan.

Inakalang nalunod lamang ang bata ngunit lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulis­ya na nakitaan ito ng mga sugat sa kanyang bibig at nag-iba na ang porma ng kanyang pribadong parte ng katawan kung kaya’t malaki ang posibilidad na siya ay ginahasa at pinatay.

vuukle comment

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with