African stude inaresto sa rape
ANGELES, Philippines — Isang estudyanteng African national ang inaresto habang isa pang kasama nito ang tinutugis matapos silang ireklamo ng panggagahasa ng isang 20-anyos na dalaga na kanilang niyaya sa inuman sa Hadrian II Street, Mt. View, Barangay Balibago, sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw.
Sa report sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Maj. Dickson Tolentino, kinilala ang nadakip na suspek na si Daniel Sumbo, 29, binata at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar habang nakatakas ang isa pang suspek na kinilala lamang sa alias “Cope”.
Ang dalawa ay inireklamo ng isang jobless na dalaga ng Brgy. Capaya II.
Sa ulat, pasado alas-2:00 ng madaling araw, niyaya ni Sumbo ang biktima na uminom sa kanyang tinutuluyan. Nang malasing ng alak ang biktima, dito na sinamantala ng mga suspek upang isagawa ang makamundong pagnanasa.
Matapos ang pangyayari, nakatakas at nakauwi sa kanilang bahay ang biktima hanggang sa magsumbong sa kanyang ina.
Humingi sila ng tulong kay Kagawad William Meneses kung kaya agad nagsagawa ng manhunt operation dahilan upang madakip ang suspek na dinala sa Police Station 4.
- Latest