^

Probinsiya

Killer ng 3 supporters timbog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa umano’y nagmasaker ng tatlong tagasuporta ng isang pulitiko matapos matunugang umuwi sa kanyang lungga sa Brgy. Annanuman, San Pablo, Isabela kamakalawa. 

Sinabi ni Police Major Roberto Guiyab, hepe ng San Pablo Police na isinilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest na ipinalabas ni Cabagan RTC Judge Felipe Torio II laban kay Alberto Marcelino, 51, na sinasabing miyembro ng gun-for-hire group.

Si Marcelino ay isa sa tatlong itinuro ng mga saksi na rumatrat kina Benedict Crisologo, Jerby Cureg at Tony Balabbo na umano’y mga supporters ng isang ‘di tinukoy na pulitiko habang naglalaklakan sa outpost ng tanod sa Brgy. San Vicente noong Oktubre 2015.

Naunang dinampot ang sinasabing amo ni Marcelino na si Domingo Viernes Jr. na barangay captain sa lugar habang isa pang suspek na si Manning Taggueg ang tinutugis pa ng batas kaugnay sa kaso.

Si Taggueg ang itinuturong “berdugo” ng kapitan na si Victor Soriano na binoga sa ulo at napatay naman habang isinasayaw ang misis nito sa pagdaraos ng kapistahan ng San Vicente noong 2013.

Nabatid na pinalitan ni Viernes si Soriano matapos ang krimen.

vuukle comment

KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with