^

Probinsiya

3 magsasaka todas sa clan war

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Patay ang tatlong magsasaka na sinasabing asset ng militar matapos silang pagbabarilin habang pauwi mula sa kanilang sakahan dahil sa sinasabing “rido” o away pamilya sa Sitio Basak, Barangay Tugal, Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Midsayap Police sa pangunguna ni Benito Rotia Jr., kinilala ang mga nasawi na sina Ogie Vicente Bantas, 42-anyos; Motalib Cabilangan Talungon, 27 at Ismael Sumbaga Sumunsang, 37, pawang residente sa lugar.

Ang mga suspek sa pagpatay ay natukoy namang sina Tsin Salindab alyas Zainudin, Abdul Kulilong alyas “Dekinia Kulilong” at Thoy Zumbaga, mga miyembro umano ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na may kinakaharap na kaso ring pagpatay sa bayan.

Ayon kay Major Arvin John Encinas, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command (Westmincom), bandang alas-8:20 ng gabi pauwi na ang tatlong biktima galing sa sakahan nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa katawan buhat sa M14 rifle at 7.62mm. Joy Cantos

vuukle comment

CLAN WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with