^

Probinsiya

P3 milyong pabuya alok vs killers

Pilipino Star Ngayon

Sa pagpatay kay Dra. Rumohr

CALBAYOG CITY, Samar, Philippines – Nag alok na kahapon ng P3 milyong pabuya ang pamilya ng dentista at negosyanteng si Dra. Vicky Rumohr na pinaslang noong Abril ng mga hindi pa nakikilalang riding-in-tandem suspects. 

Sa kabuuang pabuya, P1 milyon ay para sa makapagbibigay ng mahalagang impormasyon, samantalang tig-isang milyong piso naman ang ibibigay sa mismong triggerman at sakay nito kapalit ng pagbunyag nila kung sino ang nag-utos sa kanila na patayin ang dentista.

Sa press conference sa Calbayog City, hindi pa rin tinutukoy ng anak ni Dra. Rumohr na si Kathleen Rumohr Hugo Valestra ang posibleng motibo sa pagpatay ngunit sinabing hindi sila naniniwala na ito’y may kinalaman sa pulitika. Si Kathleen ay humarap sa mga miyembro ng media kasama ang kanyang kapatid na si Dino, mga pinsan na sina Ignacio at Maricris Rumohr at National Coordinator ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Rosita Roque.

Matatandaang bandang alas-4 ng hapon noong April 15, 2019 nang barilin si Dr. Vicky Rumohr, 69-anyos, ng riding-in-tandem habang nagmamaneho ng kanyang pick-up truck sa kahabaan ng Magsaysay Blvd. Extension, habang papunta sa kanyang tanggapan sa Narcisa Hills Subdivision. Siya ay dead-on-the-spot matapos magtamo ng tama ng bala sa pisngi na tumagos sa kanyang batok.

Sa mga may impormasyon na makakatulong para malutas ang kaso ni Dra. Rumohr, maaaring tumawag sa nasabing pamilya sa 0915-3961096 o sa VACC sa 0998-9902337.

 

vuukle comment

KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with