^

Probinsiya

1 pang wanted nalambat

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Matapos ang may mahigit sa isang taong pagtatago sa batas, naaresto na rin ng pulisya ang isang 20-anyos na lalaki na may kinakaharap na kasong rape kahapon sa Brgy. F De Castro, GMA, Cavite. Kinilala ni P/Major Romulo Co Dela Rea ng Gen. Mariano Police ang suspek na si Ronrick Doria, residente ng Block 10 Lot 14 Monteverde, Brgy., F De Castro, GMA, Cavite. Dakong alas-11:15 ng umaga nang isagawa ang pagsalakay bitbit ang warrant of arrest para sa kasong rape laban sa suspek na inisyu ni Presi-ding Judge Niven Canlapan, ng RTC, 4th Judicial Region, Branch 109 sa Carmona, Cavite. Hindi na nakapalag ang suspek nang maaktuhan siya ng raiding team sa kanyang hideout. Nabatid na Abril 16, 2018 nang maganap ang panggagahasa ng suspek sa hindi tinukoy na biktima saka nagtago.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with