^

Probinsiya

Lider ng ‘Serrano Crime Group, bulagta sa shootout

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lider ng �Serrano Crime Group, bulagta sa shootout
Kinilala ni P/Major Resty Soriano, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang napatay na suspek na si Frankie Mark Serrano, alyas Tolentino, residente ng Phase 2, Blk 2, Lot 11, Malagasang 2-G, Imus City, Cavite.
File Photo

Cavite, Philippines — Napatay ng pinagsanib na puwersa ng  RSOT, RMFB 4A at Silang Police ang lider ng ‘Serrano Crime Group’ na sangkot sa operasyon ng gunrunning, carnapping at gun for hire, kamakalawa ng gabi sa Silang, Cavite.

Kinilala ni P/Major Resty Soriano, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang napatay na suspek na si Frankie Mark Serrano,  alyas Tolentino,  residente ng  Phase 2, Blk 2, Lot 11, Malagasang 2-G, Imus City, Cavite.

Sa panayam kay Major Soriano, nagtungo sa kanilang himpilan ang mga Operating Units ng CIDG Cavite PFU (lead unit), CIDG RFU4A RSOT at RMFB 4A hinggil sa natanggap na impormasyon na sa isang liblib na lugar sa bayan ng Silang nagtatago ang nasabing suspek.

Agad nagsagawa ng plano ang kapulisan at alas-6:30 ng gabi nang ikasa ang operation bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge  Hilda Poblete Mendoza laban sa suspek.

Ayon sa impormasyon, ang suspek ay nagrerenta ng apartment sa loob ng may 2 buwan sa may Purok 1, Brgy. Santol ng bayang ito at nagpakilala ito sa pangalang Paul kasama ang kinakasama.

Pagdating sa nasabing lugar, sa halip na sumuko ang suspek ay pumalag ito sa kapulisan kaya nauwi sa habulan at palitan ng putok. Makalipas ang ilang minutong engkuwentro, duguang bumulagta ang suspek.

Base sa impormasyong natang­gap mula sa CIDG-Cavite, ang suspek ay lider ng ‘Serrano­ crime group’ na dawit sa mga ilegal na aktibidades. Bukod  dito, ang suspek din ang nag-viral video sa naganap na vehicular rampage sa Nagtahan, Manila nitong Mayo 20, 2019.

vuukle comment

SERRANO CRIME GROUP LEADER KILLED IN SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with