^

Probinsiya

Dalagita pumalag sa rape, pinagsasaksak ng kapitbahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PADRE BURGOS, Quezon  , Philippines  —   Isang 14- anyos na dalagita ang nasa kritikal na kondis­yon sa ospital makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na nagtangka umanong humalay sa kanya kamakalawa ng umaga sa Brgy. Walay ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng apat na malalalim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay itinago sa pangalang Leah samantalang nakapiit na sa municipal jail ang suspek na si Ramises Manusca, 42, binata at residente ng Sitio Bahay Nayon ng nasabing barangay matapos siyang maaresto ng mga rumespondeng bara-ngay tanod.

Ayon sa ulat ng pulisya, pinagtangkaang gahasain ng suspek ang biktima subalit pu­malag ang huli kung kayat pinagsasaksak. Bagama’t sugatan ang biktima ay nakapagsumbong siya sa ama at itinu­ro ang suspek na siyang responsable sa tangkang pagpaslang sa kanya.

Naabutan ng mga tanod ang suspek na nagtatago sa palaisda­an at hawak pa ang isang patalim.

vuukle comment

CRIME

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with