^

Probinsiya

Parak,‘tulak’ sugatan sa encounter

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —   Isang pulis at isang hinihinalang drug suspect na babae ang kapwa nasugatan matapos ang engkuwentro sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tanzan  Luma, Imus City.

Sa ulat mula kay  P/Major Fermel Dela Cruz ng Cavite PPO, naglatag ang Imus Police ng isang buy-bust ganap na alas- 6:25 ng gabi sa Tanzang Luma 5 kung saan target nila sa operasyon ang mga drug suspect na sina Catherine De Guzman alyas “Kate”, 28 anyos, ng Tanzang Luma 5; Jayson De Guzman, 25, at ang isang alias “Bulabog”; pawang nasa drug watchlist ng pulisya.

Hindi pa man natatapos ang transaksyon ay nakatunog na umano ang mga suspek na pulis ang kanilang kaharap kung kaya rito na nagkaroon ng bakbakan at habulan. Sugatan ang babaeng suspek at ang isang pulis na si P.Cpl. Zosimo Layug Asido Jr. na nagtamo ng tama ng bala sa kamay at kasalukuyang ginagamot sa hospital. Sa paa naman tinamaan ng bala si Cathe­rine na binabantayan na ng mga pulis sa pagamutan habang naaresto si Jayson at nakatakas si alyas Bulabog.

Narekober sa mga suspek ang 5 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust mo-ney.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with