^

Probinsiya

Motor sumalpok sa bus: Rider todas, 2 pa nasaktan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Motor sumalpok sa bus: Rider todas, 2 pa nasaktan
Kinilala ni P/Supt. Dhefry Punzalan, hepe ng pulisya ang nasawi na si Dodge Crisostomo, 47-anyos, ng Brgy. Ligtong 3, Rosario na siyang driver ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang dalawang angkas na sina Jericho Gonzales, 28, at Bernaldo Villaruel, 30, kapwa ng Brgy. Ligtong 3, Rosario, Cavite.

CAVITE, Philippines — Isang rider ang kumpirmadong patay habang dalawa pa ang sugatan matapos na sumal­pok sa nakaparadang bus ang kanilang sinasak-yang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Bagbag 2, bayan ng Rosario sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Dhefry Punzalan, hepe ng pulisya ang nasawi na si Dodge Crisostomo, 47-anyos, ng Brgy. Ligtong 3, Rosario na siyang driver ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang dalawang angkas na sina Jericho Gonzales, 28, at Bernaldo Villaruel, 30, kapwa ng Brgy. Ligtong 3, Rosario, Cavite.

Sa ulat, alas-11:25  ng gabi nang maganap ang aksidente habang sakay ang tatlong biktima sa isang single motorcycle na Yamaha Aerox 155 at pag-aari ng isang nagngangalang  Romeo Garcia. Bumabagtas sila sa nasabing lugar at medyo may kabilisan umano ang kanilang patakbo kung kaya hindi na nakuhang makapagpreno ni Crisostomo at tuluyang sumalpok ang sasakyan sa isang pampasaherong Baby Bus na naka-park lang sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng bangga, tu­milapon ang tatlo na iki­namatay ng isa. Mga naka­inom umano ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

vuukle comment

ROSARIO CAVITE ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with