^

Probinsiya

Pamangkin inutas ng tiyo!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister na pabalang kung sumagot matapos na hambalusin ng bakal sa ulo ng sarili nitong tiyuhin nang magkapikunan ang dalawa habang nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Brgy. Alapan 1A, Imus City.

Patay agad ang bikti­mang si Felipe Bobis, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Bulihan, Silang, Cavite dahil sa matinding sugat sa ulo habang arestado ang tiyuhin nito na si Jaime Bobis Laure­les, 59-anyos, driver,  at residente ng B16, L3, Regal Homes, Brgy. Alapan I-A, Imus City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang magtiyuhin kasama ang iba pang mga kapitbahay nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa.

Lalong nagkaroon ng ma­initang pagtatalo ang dalawa nang sumagot-sagot ng pabalang ang biktima. Nabatid na hindi matanggap ng suspek ang pagsagot sa kanya ng pabalang ng pamangkin kung kaya nauwi sa pagta­talo ng mga ito hanggang sa mapikon ang suspek at dinampot nito ang isang bakal at inihambalos sa biktima.

Sa ulo tinamaan ang bik­tima na agad na bumulagta at nangisay. Naitakbo naman siya sa pagamutan su­balit hindi na umabot nang buhay habang dinakip ng mga rumespondeng pulis ang suspek na kasalukuyan nang nakakulong.

vuukle comment

CAVITE CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with