2 NPA todas sa encounter
MANILA, Philippines — Dalawang hinihina- lang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi matapos makipag-engkwentro sa tropa ng militar kahapon ng umaga sa Brgy. San Rafael, Talakag, Bukidnon.
Sinabi ni Brig. Gen Edgardo De Leon, commander ng 403rd Infantry Brigade na dakong alas-7:50 ng umaga nang makasagupa ng mga sundalo ng 65th-IB sa pangunguna ni 2Lt. Nero ang mga armadong rebelde sa naturang lugar. Tumagal umano ng 10 minuto ang bakbakan hanggang sa magpulasan ang mga bandido at napatay ang dalawa nilang kasama.
Nakilala naman ang isa sa mga nasawing rebelde sa alyas “Bibs”.
Narekober ng militar sa mga napatay ang dalawang M16 at isang M14 armalite habang patuloy ang hot pursuit operation laban sa mga nagsitakas na terorista.
Nabatid na ito na ang ikatlong serye ng engkuwentro sa pagitan ng militar at NPA sa bulubunduking bahagi ng Talakag, Bukidnon.
Bukod sa mga matataas na uri ng armas, narekober sa encounter site ang mga subersibong dokumento ng NPA.
- Latest