^

Probinsiya

2 ‘pusher’ todas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 �pusher� todas sa shootout
Sa inisyal na ulat ng Talisay City Police, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga napatay na suspek.

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher ang napaslang makaraang umano’y manlaban sa anti-drug operation ng mga operatiba ng pulisya sa Talisay City, Cebu nitong Sabado ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Talisay City Police, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga napatay na suspek.

Ayon sa Talisay City Police, bandang alas–4 ng madaling araw nang magsagawa sila ng operasyon laban sa mga suspek sa Sitio Tabay, Brgy. Cansojong nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa talamak nilang pagtutulak ng droga.

 Habang nagsasagawa ng transaksyon sa pagbili ng shabu, nakatunog umano ang mga suspek na agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. Nagmintis ang putok at dito’y mabilis na gumanti ang mga operatiba na nauwi sa maikling minutong putukan na siyang kumitil sa buhay ng dalawang tulak.

vuukle comment

DRUG PUSHER

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with