^

Probinsiya

Labas-pasok sa kulungan nalambat muli sa droga

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY  , Philippines  —  Isang tricycle driver na labas-pasok sa kulungan at aminadong nagbebenta ng ipinagbabawal na droga ang muling nalambat habang mabilis na nakatakas ang dalawang kasamahan nito na tumalon sa ikatlong palapag ng gusali makaraang makatunog na pulis ang katransaksyon  sa isinagawang buy-bust operation ng Angeles City Police Drug Enforcement Unit sa A. Santos Extension, Barangay Balibago, iniulat kahapon.

Sa report sa tanggapan ni Angeles City Police Drug Enforcement Unit chief P/Capt. Joven Rodriguez, kinilala ang nadakip na si Jay-Ar Mercado, 25, habang pinaghahanap ang mga kasabwat nito sina Ivan Dayaon, at Omar Mojaimen, kapwa nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Nasamsam kay Mercado ang 9 na plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P137,500 ang halaga. dalawang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, mga drug paraphernalia at marked money. Siya ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 9165. Nabatid na ilang beses na umanong pabalik-balik sa kulungan si Mercado dahil sa mga kaso ring pagtutulak ng droga.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with