^

Probinsiya

Top 8 sa drug list, trader huli sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Kapwa bumagsak sa kamay ng batas ang isang nasa top 8 sa drug list ng Cabanatuan City Police at isang negos­yanteng babae mula sa bayan ng San Leonardo rito nang magsagawa ng magkahiwalay na buy-bust operation noong Huwebes.

 Kinilala ni Police Col. Victor Leon Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, ang mga suspek na sina Raymond Buenaventura alyas “Mamon”, 36, binata, isang buy and sell agent ng Brgy. Bitas, Cabanatuan City at Milany Pablo alyas “Bloy”, 42, da-laga, sari-sari store owner ng Brgy. San Anton, San Leonardo, Nueva Ecija.

 Ayon sa Talavera Police, bandang alas-4:45 ng madaling-araw nagsagawa sila ng buy-bust operation sa Brgy. San Miguel na Munti kung saan nabentahan umano ng ipinagbabawal na gamot ni Buenaventura ang pulis-Talavera. Nang makahalata umano ang suspek ay agad na tumakas ito sakay ng motorsiklo at doon nagkaroon ng habulan hanggang sa siya ay maaresto sa Brgy. Bitas, Cabanatuan City. Nakum­piska sa kanya ang 7 plastic sachet ng umano’y shabu, at P1,000 marked money.

 Samantala, nagsagawa rin ang San Leonardo Police ng buy-bust sa isang sari-sari store sa Brgy. San Anton sa nasabing bayan, alas-4:05 ng hapon noong Huwebes. Binentahan umano ni Pablo ng isang platic sachet ng shabu ang poseur buyer at dito na siya inaresto.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with