^

Probinsiya

Binata inutas ng 3 mag-uutol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Patay ang isang 24-anyos na binata matapos pagtulungang saksakin ng tatlong magkakapatid na suspek sa Brgy. Patitinan, Sangay, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw. Sinubukan pang isugod ng mga barangay tanod at kaanak sa Sangay Infirmary pero idineklarang patay ang biktima na si Alvin Canelaria Cuerdo, ng Zone 1, Sitio Rawis.

Arestado naman ang isa sa suspek na si Gerardo De Leon, 29-anyos habang tinutugis ng mga pulis ang dalawa pang kapatid nito na sina Joseph at John. Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw, dahil sa matagal nang alitan ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima at tatlong magkakapatid na suspek hanggang sa pagtulungang hawakan ng dalawa ang biktima habang ang isang ay kumuha ng patalim at sinaksak ito sa dibdib na agad niyang ikinasawi.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan si Cuerdo pero ’di na umabot nang buhay. Agad namang naaresto ng rumespondeng mga barangay tanod si Gerardo habang tuluyang nakatakas ang dalawang utol na si Joseph at John Paul.  

vuukle comment

CRIME

STABBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with