^

Probinsiya

Abogadong Kano sugatan sa ambush

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY, Pampanga  , Philippines  —  Isang Ame­rican national ang ma­lubhang nasugatan matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek sa kahabaan ng Campupot Street, Barangay Pampang ng lungsod na ito noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Major Fercel Deloria, commander ng Angeles Police Station 2, kinilala ang biktima na si Kenneth Graham, 52, may asawa, residente sa nasabing barangay.

Sa inisyal na ulat pa­sado 10:30 ng gabi pauwi sa kanyang bahay ang biktima nang biglang dikitan ng isang lalaki saka pinagbabaril. Matapos isa­gawa ang krimen sabay takas sa ’di malamang direksyon. Agad isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital.

Ligtas na sa kamatayan ang biktima, ayon sa sumuring doktor na sinasabing nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang katawan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa tangkang pagpaslang at mahuli ang salarin.

vuukle comment

AMBUSH

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with