^

Probinsiya

2 tiklo sa P.1-M shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY , Philippines  —  Aabot sa mahigit P100,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang tulak at kanyang buyer makaraang masakote sa loob ng isang hotel sa Barangay Ibabang Iyam, lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinasuhan na ng paglabag sa R.A. 9165 ang mga suspek na sina Rommel Alejo, 35, tricycle driver ng Rodriguez Subdivision, Brgy. Ibabang Iyam at Christopher Laguerta, 40, vendor ng Calmar Subd., Brgy. Kanlurang Mayao. Dakong alas-9:15 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang buy-bust operation laban kay Alejo sa loob ng Room 105, Tourist Hotel. 

Nang posasan na ang suspek ay tiyempo namang dumating ang buyer na si Laguerta na kanyang ikinaaresto rin. Aabot sa 28.44 gramo ng shabu ang nakumpiska sa dalawa kabilang na ang P1,000 marked money at P2,500.00 cash.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with