^

Probinsiya

3 HPG member sibak sa kotong

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng North Cotabato PNP-Highway Patrol Group ang sinibak sa puwesto matapos masakote sa kanilang ginagawang pangongotong sa mga motorista sa Kidapawan City, kahapon.

Bagamat hindi pinangalan ni HPG North Cotabato Chief Police Executive Master Sergeant Alberto Rosas ang tatlong mga tauhan nito, pero sinabi nito na ang mga sinibak ay may ranggong patrolman.

Ayon kay Rosas, nauna nang lumabas sa report na umano’y may kinalaman sa panghihingi ng pera ang tatlo sa ilang motorista na may mga impoundable violations.

Ayon sa isang complai­nant, kapalit umano ng murang halaga ay maaari nang ma-areglo ang mga sasak­yang nahuli ng highway patrol group.

Samantala, pansamantala munang ilalagay sa National Headquarters ng HPG  sa Camp Crame ang tatlong tinanggal sa puwesto habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

EXTORTION

PNP-HIGHWAY PATROL GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with