^

Probinsiya

Mister itinumba habang nagpapastol

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang isang mis­ter nang ratratin ng ‘di pa natutukoy na suspek habang nagpapastol ng kan­yang alagang kalabaw sa bayan ng San Agustin, sa lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Dennis dela Cruz, karpintero, may asawa, at  residente ng Purok 5, Barangay Salay, ng naturang bayan.

Batay sa inisyal na im-bestigasyon ng pulisya, kasalukuyan noon na kinukuha ng biktima ang kanyang alagang kalabaw malapit sa isang maisan nang sunud-sunod na pinaputukan ng suspek hanggang sa duguang bumulagta.

Agad naman na pinuntahan ng kanyang misis ang biktima na noon ay nasa hindi kalayuan matapos marinig ang mga putok ng baril at dito na nito nakita ang nakahandusay at duguang mister na wala nang buhay.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

vuukle comment

FARMER SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with