^

Probinsiya

LGBT kinatay, itinapon sa pampang

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines –Isang miyembro ng LGBT na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natagpuan sa isang pam­pang sa Aparri, Ca­gayan kamakalawa ng umaga. 

Kinilala ng Aparri Police ang nasawing biktima na si Anthony Quillopo Basilio, 25-an­yos, isang bading at residente ng Brgy. Punta, Aparri, Cagayan.

Sa imbestigasyon, gabi ng Lunes (Hulyo 22) nang huling makitang buhay ang biktima matapos imbitahan umano ng isang kaibigan.

Kinabukasan ng uma­ga, nakita na lamang ng mga nag-eehersisyo sa tabing-dagat ang bangkay ng biktima na naburdahan ng saksak.

Wala namang nakuha ang mga imbes­tigador na anumang ka­gamitan ng biktima at maging ang kutsilyo na ginamit sa krimen ay hindi rin narekober sa lugar.

 

vuukle comment

LGBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with