^

Probinsiya

3 ‘pusher’ utas sa shootout, P74.8-M shabu nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 �pusher� utas sa shootout, P74.8-M shabu nasamsam
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Pru­delgem Mapalo na siyang target ng operas­yon habang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa pa.
File Photo

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang notoryus na drug pusher ang napaslang habang aabot sa P74.8 milyong halaga ng droga ang nakumpiska matapos ang buy-bust operation ng pulisya sa Zuellig St., North Reclamation Area, Mandaue City, Cebu nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Pru­delgem Mapalo na siyang target ng operas­yon habang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa pa.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Jonathan Abella, officer-in-charge ng Man­daue City Police, bandang alas-3:30 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek matapos ang masusing surveillance operation laban sa mga illegal na aktibidades ni Mapalo sa nasabing lugar.  

Gayunman, nakatunog umano ang mga suspek na undercover agent ng pulisya ang kanilang ka-deal sa bentahan sa droga kaya agad nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout na ikinatimbuwang ng tatlo.

Nakuha sa mga na­ka­bulagtang suspek ang bulto ng Chinese tea bag na pakete ng shabu na nasa 11 kilo at tinata­yang nagkakahalaga ng P74.8 milyon. Narekober din sa lugar ang isang cal. 357 revolver, isang cal. 45 pistol, isang KG9 submachine gun at isang multicab.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with