^

Probinsiya

Burol inararo ng kotse: 14 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Burol inararo ng kotse: 14 sugatan
Kinilala ni Major Caroline Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police Office ang mga isinugod sa Kalinga Provincial Hospital at iba pang pribadong pagamutan na sina Glory Lugao, 64; Victor Lugao, 64; Grandy Brioso, 29; Wayani Paga, 32; Gretel Paga, 6; Mario Oddoc, Jr., 48; Clarita Dumlanos, 69; Evelyn Contes, 66; Alfonso Wal­ding, 46; David Bumakas, 64; Chedri Tomas, 23; Bernabe Dangangao, 64; Felipe Oban, 73, at Myla Langkit, 39.
File Photo

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Nasa 14 katao ang malubhang nasugatan matapos silang araruhin ng rumaragasang kotse habang nakikipaglamay sa burol ng isang patay na kanilang kaanak at ka-barangay sa Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga kamakalawa. 

Kinilala ni Major Caroline Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police Office ang mga isinugod sa Kalinga Provincial Hospital at iba pang pribadong pagamutan na sina Glory Lugao, 64; Victor Lugao, 64; Grandy Brioso, 29; Wayani Paga, 32; Gretel Paga, 6; Mario Oddoc, Jr., 48; Clarita Dumlanos, 69; Evelyn Contes, 66; Alfonso Wal­ding, 46; David Bumakas, 64; Chedri Tomas, 23; Bernabe Dangangao, 64; Felipe Oban, 73, at Myla Langkit, 39.  

Lumalabas na nahilo habang minamaneho ni Aurora Amilig, 47, ang kanyang kotse kung kaya’t nawalan siya ng kontrol sa manibela hanggang mabilis na sinuyod nito ang mga taong nasa may gilid ng kalsada at nakikipaglamay sa burol dakong alas-3:00 ng hapon.

Nagawa namang makaligtas ang iba pang bisita na nasa labas ng bahay ng namatayan matapos na magsisigaw at magkanya-kanyang takbuhan sa iba’t ibang direksyon para makaiwas sa rumaragasang kotse.

Agad isinailalim sa kustod­ya ng pulisya ang drayber ng sasakyan na sumuko matapos ang insidente. (Victor Martin) 

vuukle comment

TUGUEGARAO CITY CAGAYAN ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with