^

Probinsiya

3 stude nagre-repack ng shabu, 2 pa timbog

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 stude nagre-repack  ng shabu, 2 pa timbog
Ang mga suspek na nagkaka-edad ng 15-16 ay itinago sa mga alyas na Troy, Memot at Born; pawang ALS student at residente ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City habang ang dalawang umano’y tulak ay kinilalang sina Mark Christopher Vallarta alias Toper, 26-anyos at Jigger Castro, 22.

CAVITE  , Philippines  —   Timbog ang tatlong kabataang estudyante matapos na maaktuhan ng mga awtoridad habang nagre-repack ng shabu sa kasagsagan ng buy-bust operation ng pulisya laban sa dalawang target na hinihinalang drug pusher na naaresto rin sa Brgy. Zapote 1, Bacoor Ciy kahapon.

Ang mga suspek na nagkaka-edad ng 15-16 ay itinago sa mga alyas na Troy, Memot at Born; pawang ALS student at residente ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City habang ang dalawang umano’y tulak ay kinilalang sina Mark Christopher Vallarta alias Toper, 26-anyos at Jigger  Castro, 22.

Sa ulat, kasama ang ilang miyembro ng PDEA 4A, inilatag ng Bacoor City Police dakong alas-9:00 ng umaga ang buy-bust operation sa Brgy. Zapote 1 kung saan isang pulis ang tumayong buyer at umiskor ng shabu sa suspek na si Vallarta. Habang inaaresto si Vallarta, naaktuhan sa lugar ang apat pa nitong kasama kabilang na ang tatlong nabanggit na kabataan na umano’y nagre-repack ng shabu.

Narekober sa mga suspek ang 6 plastic sachet ng shabu na nasa 2 gramo at may halagang ?13,600.00. 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with