^

Probinsiya

Bangka lumubog: Misis patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Isang 56-anyos na ginang ang nasawi habang masuwerteng nakaligtas ang kanyang tatlong anak at tatlong apo matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang bangka habang tumatawid sa maalong karagatan na sakop ng Purok-1, Brgy.Hulogan sa bayan ng Manito, lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod sa Manito Hospital pero namatay din si Gng. Veronica Datiles Pacheco, ng Brgy. Victory Village, Legazpi City habang masu­werteng nakaligtas ang tatlo niyang anak na lalaki at tatlong apo na lahat ay hindi na binanggit ang pangalan.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, naglalayag ang mga biktima gamit ang maliit na bangka patungong Brgy. Hulogan nang salubungin sila ng malalakas na hangin at alon dahilan para tumaob at lumubog ang bangka na tinatayang 25-metro na lamang ang distansya sa pampang. 

vuukle comment

DROWNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with