^

Probinsiya

Mag-utol na lolo nagtagaan sa lupa

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Sugatan ang isang 79-anyos na lolo matapos makipagduwelo nang tagaan sa kanyang 74-anyos na kapatid makaraang magtalo dahil sa away sa kapirasong lupa sa Purok-6,Brgy. Oras sa Tabaco City kamakalawa ng umaga.

Patuloy na nagpapagaling sa tinamong sugat sa katawan ang biktimang si Hermogenes Camata habang arestado ng mga rumespondeng pulis ang nakababatang kapatid na si Armando; kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga, kinompronta ng biktima ang suspek hinggil sa ginawang pagbebenta ng huli sa kanilang pag-aaring lupa na hindi katanggap-tangap sa kanya. Dahil sa init ng pagtatalo ng magkapatid, bumunot ng dalawang itak si Hermogenes kaya napilitan ding kumuha ng itak si Armando.

Gayunman, dahil sa naunahan ng liksi ay ilang beses na tinamaan ng taga sa binti ang biktima na agad isinugod ng mga umawat na kaanak sa Ziga District Hospital.

vuukle comment

LEGAZPI CITY ALBAY CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with