^

Probinsiya

Karambola ng 3 sasakyan: 2 dedo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Dalawa ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa salpukan ng tatlong sasakyan kasama ang isang Victory Liner bus sa Brgy. Tarinsing, Cordon  Isabela kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina  Marconi Ramos, 48, at ang hindi pa natukoy na pasahero sa kanyang traysikel habang ang mga sugatan ay sina Arwel Alpecho, 25, at ang angkas nito sa motorsiklo na si Diana Rose Canlas, 24.

Lumalabas na sinalpok ng nasabing bus na patungong norte ang traysikel na biglang tumawid sa harapan nito at siya namang nabangga ng motorsiklo na bumabagtas sa kabilang linya dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Isinugod sa pribadong pagamutan ang apat na biktima subalit hindi na nakaabot nang buhay sina Ramos at ang pasahero nito.

Isinailalim naman sa kustodya ng awtoridad and drayber ng bus na si Christopher Aggarao, 40, at kanyang hawak na sasakyan matapos ang insidente.

vuukle comment

CRIME

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with