^

Probinsiya

Kagawad na ‘tulak’ timbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay  , Philippines  —  Kalaboso ang isang 43-anyos na barangay kagawad matapos maaresto sa pagbebenta ng shabu sa inilatag na buy-bust operation laban sa kanya sa Brgy. Balogo, Sorsogon City, Sorsogon noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Arthur Larosa Potian Sr., kagawad at residente ng nasabing barangay na itinuturing na Number 6 sa drug watchlist ng lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi makaraang isalang ng ilang araw na surveillance operation ang ilegal na operasyon ng suspek ay agad inilatag ang buy-bust laban sa kanya ng Regional at Provincial Intelligence Unit at Sorsogon City Police sa pangunguna ni Lt. Col. Eymard Gomez. Nang iabot ng konsehal sa pulis na umaktong poseur buyer ang biniling droga ay agad na dinakma ang suspek. Nakuha mula sa suspek ang 9 sachet ng shabu, drug paraphernalia at motorsiklong gamit nito sa ilegal na transaksyon.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with