^

Probinsiya

NPA todas sa engkuwentro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang rebelde ang napatay ng mga awtoridad matapos na makaengkwentro ang tinatayang 15 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), sa border ng Ca­rol-an, Kabankalan at Upper Carol-an, Ayungon sa Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

 Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang makasagupa ng mga tauhan ng 62nd Infantry (Hunter) Battalion, 3rd Infantry (Spearhead) Division, ang mga rebelde sa naturang lugar. Nagsasagawa umano ng combat operations ang tropa ng pamahalaan nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong lalaki sa lugar. Kaagad nagtungo sa lugar ang mga sundalo na nagresulta sa sagupaan na tumagal ng may 20 minuto. Nang humupa ang palitan ng putok,  isa ang naiwang patay sa panig ng mga rebelde, habang walang nasugatan sa tropa ng pamahalaan.

 Nakarekober sa lugar ang isang M16A1; isang landmine; dalawang improvised black bandolier;  237 rounds ng ba­lang 5.56mm; dalawang rifle grenades, 10 rounds ng bala ng AK47; isang round ng bala ng 40mm; isang 30 cap aluminum magazine assembly; tatlong 20 cap aluminum magazine assembly; mga subersibong dokumento; apat na backpacks at mga personal na gamit ng mga rebelde.

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with