^

Probinsiya

Chairman, 3 pa inambus, patay

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chairman, 3 pa inambus, patay
Kinilala ni Police Major Esmael Madin, chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang mga biktima na sina Datu Nurodin Mangandian Guiaman, 34, chairman ng Barangay Tuka, Mamasapano Maguin­danao; asawa nitong si Alwaida, 28 anyos; Tuka Barangay treasurer Sindatu Agao at Barangay Peacekeeping Action team (BPAT) member Basser Guamman, 42.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang barangay chairman ng Maguindanao, kanyang asawa at dalawa pang opisyal ng barangay ang namatay nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin kamakalawa ng hapon sa Cotabato City.

Kinilala ni Police Major Esmael Madin, chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang mga biktima na sina  Datu Nurodin Mangandian Guiaman, 34, chairman ng Barangay Tuka, Mamasapano Maguin­danao; asawa nitong si Alwaida, 28 anyos; Tuka Barangay treasurer Sindatu Agao at Barangay Peacekeeping Action team (BPAT) member Basser Guamman, 42.

Ayon kay Madin,si Datu Nurodin ay binawian ng buhay dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkules habang ginagamot sa isang pribadong pagamutan habang ang iba pang biktima ay dead on arrival sa ospital.

Sinabi ni Police Col Portia Manalad, Cotabato City police director, na lumalabas na anim ang gunmen na pawang sakay ng motorsiklo at pinaulanan ng mga bala ang mga biktima  habang sakay  sa isang kotse at binabagtas ang Notre Dame Avenue, Cotabato City dakong ala-1:40 ng hapon ng Miyerkules.

May hinala naman ang mga awtoridad na “rido” o away ng pamilya ng biktima ang ugat ng ambush.

Patuloy na nirerepaso ng pulisya ang kuha ng  CCTV  malapit sa crime scene para matukoy ang pagkaka­kilanlan sa mga suspek.

vuukle comment

MAGUINDANAO AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with