^

Probinsiya

Bagitong solon na nanuntok ng waiter inireklamo sa pulisya

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kinilala ang suspek na si  Rep. Alfred Delos Santos ng Ang Probinsiyano Partylist habang nakilala naman ang nagreklamo na si Christian Kent Alejo, 20-anyos, waiter ng Bigg�s Diner at residente ng Purok-1, Brgy.15 Ilawod East.

Legazpi City, Albay, Philippines — Isang waiter ng isang fast food restaurant sa Rizal St., Old Albay District, Legazpi City, Albay ang nagharap ng reklamo sa pulisya laban sa isang party­list congressman dahil sa panununtok nito sa kanya kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si  Rep. Alfred Delos Santos ng Ang Probinsiyano Partylist habang nakilala naman ang nagreklamo na si Christian Kent Alejo, 20-anyos, waiter ng Bigg’s Diner at residente ng Purok-1, Brgy.15 Ilawod East.

Isinaad sa reklamo na naglalagay si Alejo ng place mat sa mesa ni De Los Santos at tatlo nitong kasamang lalake nang bigla siyang suntukin ng baguhang mambabatas.

Gayunman, nakailag umano ang biktima kaya ang suot na sombrero niya ang natanggal. Agad siyang dumulog sa Legazpi Police Station at ipi­narekord ang nangyari dahil sa takot.

Sa impormasyon, posibleng lasing ang suspek at nagalit dahil natitigan umano siya nang masama ng biktima.

Patuloy pang iniimbistigahan ang insidente na nakunan ng cctv camera ng fastfood restaurant. Wala pang pahayag ang kongresista hinggil sa insidente.

vuukle comment

ARRESTED FOR BEATING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with