^

Probinsiya

4 ‘drug supplier’ tiklo sa P2.4-M marijuana

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang apat na umano’y supplier at taga-deliver ng bultu-bultong pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Salitran 3, Dasmariñas City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Albert Abogadie, 28-anyos, ng Brgy. Anabu 2, Imus City; Don Ragracias, 35; Mary Rose Dela Peña, 27, at Raymond Austria, 20.

Ayon kay P/Col. Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas Police, ilang araw nilang sinubaybayan ang mga suspek bago makumpirma na sila ang nagsu-supply ng bloke-blokeng marijuana sa mga tulak ng droga sa Imus, Bacoor at Dasmariñas ng lalawigan. Alas-3:10 ng hapon nang ikasa ang buy-bust sa Brgy., Salitran 3 kung saan matagumpay na nasakote ang mga suspek at nasamsaman ng may 119  bricks at isang nakarolyong marijuana na aabot lahat sa 120 kilo at may market value na  P2,400,000.00. Nakuha rin ang isang Nissan Urvan (NOH767) at buy-bust money na ginamit sa transaksyon. 

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with