^

Probinsiya

Mag-asawa tumangay ng milyon, nadakma

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa tumangay ng milyon, nadakma
Kinilala ni P/Major Rodney Raymund Louie Baloyo ang mga suspek na sina Giselle De Leon, 37-anyos at mister nitong si Elvin, 45, kapwa residente ng Brgy. Patuto Malaki South, Tagaytay City.
File Photo

CAVITE, Philippines — Bumagsak na sa mga kamay ng Tagaytay Police ang mag-asawang No. 1 most wanted sa nasabing lungsod matapos na umano’y mambiktima ng ilang katao at tumangay ng milyong pisong halaga sa isinagawang pagsalakay sa kanilang hideout sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Rodney Raymund Louie Baloyo ang mga suspek na sina Giselle De Leon,  37-anyos at mister nitong si  Elvin, 45, kapwa residente ng Brgy. Patuto Malaki South, Tagaytay City. 

Sa ulat ni SPO1 Jude Camitan, alas 6:40 ng gabi nang isagawa ang warrant operation laban sa mag-asawa. Bitbit ng pinagsanib na puwersa ng Intel operatives-Warrant Section, Barangay Intelligence Network (BIN) at Force Multiplier Tagaytay Chapter ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Liezl Rosario Mendoza ng MTC Branch 1 sa Tagaytay City sa kasong estafa, tinungo nila ang kinaroroonan ng mag asawa at inaresto.

Nauna rito, ilang complainant ang nagreklamo sa Tagaytay Police at sinampahan ng kaso ang mag-asawa matapos silang matangayan ng aabot sa milyong piso.

May inaalok umano ang mag-asawa sa kanilang bibiktimahin at ‘pag nakuha na ang kanilang tiwala ay dito na sila paulit-ulit na hihingan ng malaking halaga.

vuukle comment

ARRESTED FOR ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with