^

Probinsiya

Tserman sa Tarlac itinumba

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

TARLAC, Philippines — Patay ang kapitan ng Barangay Paraiso sa Tarlac City matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikila­lang mga salarin noong Linggo ng hapon.

Sa report, kinilala ang biktima na si  Brgy. Chairman Allan Sebastian, 52-anyos.

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen pasado alas-3:00 ng hapon. Galing umano ang biktima sa cons­truction site upang magbigay ng instruction sa driver ng backhoe operator nang bigla siyang dikitan at pagbabarilin ng apat na lalaking armado. Matapos na mapuruhan ang tserman, mabilis na tumakas ang mga suspek sa ’di malamang direksyon.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa motibo sa nasabing pagpaslang at para mahuli ang mga salarin.

Nag-alok naman ang Tarlac City government ng P200,000.00 pabuya sa sinumang makakapagturo sa mga responsable sa krimen.

vuukle comment

ALLAN SEBASTIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with