^

Probinsiya

Lider ng robbery group todas sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang umano’y lider ng robbery group matapos kumasa at makipagbarilan sa mga pulis sa Sitio Mapili, Brgy. Rangas, Juban, Sorsogon kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot matapos mapuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na kinila­lang si Ralph Sus Deri, pinuno ng “Deri Criminal Gang” na nasa likod ng magkakasunod na panghoholdap sa mga bayan ng Juban, Magallanes at sa Sorsogon.

Ayon kay Col. Bong Buslig, provincial director ng Sorsogon Police, dakong alas-11:30 ng umaga nang makatanggap ng impormas­yon ang kanyang mga tauhan na nasa area ang suspek kaya agad bumuo ng grupo mula sa Regional Intelligence Division-5, Provincial Intelligence Branch at Juban Police at agad inilunsad ang intelligence operation.

Gayunman, sa halip na sumuko ay bumunot pa ang suspek ng kanyang baril at nakipagbarilan sa mga pulis dahilan para mapuruhan ito. Nakuha ng mga operatiba mula sa suspek ang kalibre .45 na baril.

vuukle comment

ROBBERY GROUP DEAD IN SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with