^

Probinsiya

Kelot nilikida ng hired killer

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 57-an­yos na mister ang nasawi ma­tapos barilin sa ulo ng pinaniniwalaang bayarang berdugo habang sakay ng kanyang motorsiklo pauwi sa Brgy. Amianance, Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romeo Ramos, taga-Brgy. Lao-ingen sa bayan ng Sto. Domingo. Agad na tumakas ang killer sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril habang isinugod ng mga sumaklolo si Ramos sa Gabriela Silang General Hospital kung saan siya idineklarang patay. Dalawang basyo ng bala ng cal.45 ang narekober sa lugar habang isang cal. 25 baril ang nakuha ng mga imbestigador sa katawan ng napatay.

vuukle comment

MAN SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with