^

Probinsiya

‘Pusher’ bulagta sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang notoryus na tulak ng droga sa Iriga City, Camarines Sur matapos umanong manlaban at mabaril sa inilatag na buy-bust operation ng mga pulis at sundalo ng Philippine Army sa Zone-1, Brgy. Nino Jesus kamakalawa.

Tinangka pang isugod sa Our Lady of Lourdes Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang suspek na si Rodolfo Briso Zulueta, 48, residente ng barangay. Sa ulat, matapos ang ilang araw na surveillance laban kay Zulueta, dakong alas-2 ng hapon, magkatuwang na inilatag ng Bravo Company, 83rd Infantry Battalion sa pa­ngunguna ni Lt. Limos at Iriga City Police sa pangunguna ni Master Sgt. Roberto Adupe ang buy-bust operation laban sa suspek. Gayunman, habang ginagawa ang transaksyon, nakahalata agad ang suspek na pulis ang kaharap na buyer kaya agad umanong bumunot ng baril ang una at tatlong beses na pinaputukan ang huli pero sumablay hanggang sa gumanti ang mga kasamahang pulis at sundalo na kanyang ikinabulagta. Narekober sa lugar ang kalibre .38 na baril ng suspek at isang sachet ng shabu.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with