^

Probinsiya

Parak inagawan ng baril sa drug ops, sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Parak inagawan ng baril sa drug ops, sugatan
Sa report ni Lt. Colonel Chievalier Iringan, tagapagsalita ng Region 2 Police Office; nagpagulung-gulong sa damuhan sina Police Corporal McNair Villarao at suspek na Rodolfo Solsoloy, 19, na nagbenta ng isang sachet ng shabu sa buy-bust ope­ration dahil sa kanilang pag-aagawan ng baril nang magtangkang manlaban ang huli hanggang sa pumutok ito na ikinasugat ng nasabing pulis.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Malubhang nasuga­tan ang isang pulis matapos makipambuno sa drug suspect na umagaw sa kanyang baril na pumutok sa Brgy. Calayan, Gonzaga, Cagayan kamakalawa.

Sa report ni Lt. Colonel Chievalier Iringan, tagapagsalita ng Region 2 Police Office; nagpagulung-gulong sa damuhan sina Police Corporal McNair Villarao at suspek na Rodolfo Solsoloy, 19, na nagbenta ng isang sachet ng shabu sa buy-bust ope­ration dahil sa kanilang pag-aagawan ng baril nang magtangkang manlaban ang huli hanggang sa pumutok ito na ikinasugat ng nasabing pulis.

Ayon sa report, nagapi ng mga sumaklolong pulis si Solsoloy habang isinugod ang sugatang kabaro sa ospital kung saan siya inoobserbahan. 

Nasamsam naman kay Solsoloy ang isang sling bag na naglalaman ng isang cal.22 revolver at buy-bust money na tinanggap niya kay Villarao na nagsilbing poseur buyer.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with