^

Probinsiya

Binawi ang regalong kalabaw, lolo pinugutan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinugutan ang isang 60-anyos na lolo ng manugang nito matapos umanong bawiin ang iniregalong kalabaw makaraang hiwalayan ng misis sa Brgy. Sinipit, Benito Soliven, Isabela, noong Miyerkules.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mas ipinagdalamhati ni Orlando De Asis, 51 ang pagkawalay ng kalabaw kaysa sa pagkalas ng kanyang misis dahilan upang planuhin at isagawa ang pagpatay kay Primo Acob na kanyang sinundan habang papunta sa bukirin dakong alas-7:30 ng umaga.

Halos humiwalay ang ulo sa katawan ng matanda sa sunud-sunod na hataw ng itak ni De Asis na tumakas matapos ang pamamaslang subalit kalaunan ay sumuko sa mga opisyal ng barangay.

Nabatid na nagkimkim ng sama ng loob ang suspek sa biktima na pinaghihinalaan niyang naninira sa kanya sa misis niyang nagtatrabaho sa abroad kaya ito kinalasan.

vuukle comment

BENITO SOLIVEN ISABELA CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with