^

Probinsiya

Ginang pinasok, ni-rape slay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ginang pinasok, ni-rape slay!
Ang biktima ay nakilalang si Lorilyn delos Santos, may asawa at dalawang anak, at residente ng Purok 1 Tan­cingco Street, Brgy. Patunhay, Cardona, Rizal.

RIZAL , Philippines  —   Isang 35- anyos na ginang na hi­ni­­hinalang biktima ng panggagahasa at pagpatay ang natagpuang tadtad ng tama ng saksak sa katawan sa loob ng kanyang silid sa bayan ng Cardona, lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Lorilyn delos Santos, may asawa at dalawang anak, at residente ng Purok 1 Tan­cingco Street, Brgy. Patunhay, Cardona, Rizal.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:40 ng madaling nang madiskubre ng kanyang kaanak na si Peewee Belgica, 36, ang bangkay ng biktima sa silid nito, kaya’t kaagad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Ayon kay P/Capt. Juner Mojares, hepe ng Cardona Police, pinasok ng mga ‘di kilalang salarin ang biktima at posibleng ginahasa dahil walang saplot na pang-ibaba nang makita ang katawan  nito.

Sinabi ni Mojares na tanging ang cellphone ng biktima  ang tinangay ng mga suspek habang isang kitchen knife na may mga bahid pa ng dugo na hinihinalang siyang ginamit sa krimen ang nakuha sa tabi ng bangkay ng una.

Dagdag pa ng opis­yal, may dalawa nang “person of interest” ang pulisya sa krimen pero tumanggi muna siyang tukuyin ang mga pa­ngalan.

Sinisilip ng pulisya ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo sa krimen o maaaring kakilala ng biktima ang mga salarin.

vuukle comment

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with