^

Probinsiya

P23-M nasamsam ng CIDG sa isa pang investment scam

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
P23-M nasamsam ng CIDG sa isa pang investment scam
Ilan sa nadakip na mga drug suspek sa Bacoor, Cavite.

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga otoridad ang nasa P23 Milyong halaga ng mga investment money makaraang salaka­yin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Caraga ang Forex Trading sa isang beach resort sa District 2, Brgy. Cubi-Cubi sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte noong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Cholijun Caduyac, regional chief sa CIDG-Caraga, alas-7:00 ng gabi nang pinasok ng mga operatiba ang nasa­bing lugar at nakuha ang pera sa mga kahon.

Nabatid na nagsimula ang kanilang monitoring sa lahat ng mga investment scam sa rehiyon makaraang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa mga ito.

Sa mga nakuha nilang impormasiyon, unit-unti na rin umanong nagsilayasan ang mga opisyal ng investment scam dahilan para hindi na nakapag-pay-out ang mga ito.

Nitong nakaraang araw, naka schedule sana ang pay-out ng Forex Trading sa Talacogon, Agusan del Sur subalit natunugan ito ng mga namamahala dahilan para lumipat ng pagdausan ang mga ito hanggang sa nagsilayasan kasama ang mga miyembro ng malamang paparating mga mga otoridad.

Kabilang sa mga nare­kober ang limang selya­dong storage boxes, mga ledgers at mga log books kung saan nakasulat ang mga panga­lan ng mga investors na mula pa sa iba’t-bang mga barangay kasama na ang mga acknowledgement receipts.

vuukle comment

INVESTMENT SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with